Halina at tuklasin ang mga malalim na salita na hango sa Tagalog Batangueno.
1. liban - absent sa eskwela.- hal. Ako ay liban sa aking klase kaninang umaga.
- pagtawid sa kalye.- hal. Mag-ingat ka sa pag liban ng kalsada.
2. kampit- kutsilyo o gulok . hal. Hasain mo ang kampit bukas.
3. nasangit - sumabit sa puno . hal. Nasangit ang bulador sa puno.
4. tubal- maruming damit. hal. Ilagay mo ang mga tubal sa hamper.
5. nagbalirok - natumba , nadapa. hal. Ang bata ay nagbalirok sa damuhan.
6. nasanguyan - nabulunan. hal. Ako ay nasanguyan kanina ng ulam.
7. gabukan - lupang maalikabok. hal. Huwag kang maglaro sa gabukan.
8. bingot- ngongo. hal. Bakit ka mahihiya eh hindi ka naman bingot?
9. bilot - tuta or puppy . hal. Papayag ka ga kung papalitan ko iyan ng tatlong bilot?
10. panumbe - suntukan. hal. Ikaw ba ga ay lalaban ng panumbe?
11. bulos- second serving. hal. Huwag kang mahihiya bulos laang ng bulos.
12. adwa - nakakaasar. hal. Nakakaadwa ka naman , wag naman ganyan.
13. busarga - paga , basag hal. Pagkatapos nila magpanumbe ay busarga ang kanyang nguso.
14. pinagat- hinabol. hal. Pinagat ng mga tambay ang magnanakaw ng cellfone.
15. karibok- magulo. hal. Karibok na ang kanyang tuktok kakaisip sa iyo.
Saturday, May 20, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Ay kabayan! mainam ang iyong naisip na ito nang magkaintindihan naman ang lahat ng Pilipino.
more!! more!!! hehe, kakaaliw
more!! more!!! hehe, kakaaliw
Post a Comment