Saturday, May 20, 2006

My Ala Eh Diksyonari

Halina at tuklasin ang mga malalim na salita na hango sa Tagalog Batangueno.

1. liban - absent sa eskwela.- hal. Ako ay liban sa aking klase kaninang umaga.
- pagtawid sa kalye.- hal. Mag-ingat ka sa pag
liban ng kalsada.

2. kampit- kutsilyo o gulok . hal. Hasain mo ang kampit bukas.

3. nasangit - sumabit sa puno . hal. Nasangit ang bulador sa puno.

4. tubal- maruming damit. hal. Ilagay mo ang mga tubal sa hamper.

5. nagbalirok - natumba , nadapa. hal. Ang bata ay nagbalirok sa damuhan.

6. nasanguyan - nabulunan. hal. Ako ay nasanguyan kanina ng ulam.

7. gabukan - lupang maalikabok. hal. Huwag kang maglaro sa gabukan.

8. bingot-
ngongo. hal. Bakit ka mahihiya eh hindi ka naman bingot?

9. bilot -
tuta or puppy . hal. Papayag ka ga kung papalitan ko iyan ng tatlong bilot?

10. panumbe -
suntukan. hal. Ikaw ba ga ay lalaban ng panumbe?

11. bulos-
second serving. hal. Huwag kang mahihiya bulos laang ng bulos.

12. adwa -
nakakaasar. hal. Nakakaadwa ka naman , wag naman ganyan.

13. busarga - paga , basag hal. Pagkatapos nila magpanumbe ay busarga ang kanyang nguso.

14. pinagat- hinabol. hal. Pinagat ng mga tambay ang magnanakaw ng cellfone.

15. karibok- magulo. hal. Karibok na ang kanyang tuktok kakaisip sa iyo.

3 comments:

Anonymous said...

Ay kabayan! mainam ang iyong naisip na ito nang magkaintindihan naman ang lahat ng Pilipino.

Anonymous said...

more!! more!!! hehe, kakaaliw

Anonymous said...

more!! more!!! hehe, kakaaliw