- Pang-os - nguya/ngumuya - hal. Ingat ka sa pag pang-os ng tubo baka mabali ang ipen mo.
awas mo mamaya?
3. Kumpay - pagkaing damo ng baka - hal. Kunin mo ang kumpay at ilagay
mo sa kural ng baka.
4 .Balibang -batuhin/pukulin - hal. Balibangin mo ang santol para malaglag
sa puno.
5. Balinghoy - cassava - hal. Ang aming nilupak ay may sangkap ng balinghoy.
6. Kala^ - plema - hal. Ang aking kaiskwela na si Raymond ay may nakadikit na
kala sa likod.
7. Hinaw - maghugas - hal. Maghinaw ka kasi puro libag ang paa mo.
8. Pamagket - pandikit - hal. Ang kaning bahaw ay ginamit kong pamagket sa
sarangola.
9. Bisiro - maliit na baka - hal. Ang kanyang alagang bisiro ay naibenta na.
10. Apanas - yung langgam na pula na sobrang liit .
Hantik - malaking langgam na itim.
Lisa-lisa - malaking langgam na pula na may sapot .
Kwitib - yung langgam na pula na masakit mangagat.
11. Sampiga - sampal or bitchslap - hal. Huwag kang maingay diyan baka ikaw ay
masampiga ko ng kaliwat kanan.
12. Babag - away - hal. Siya ay sobrang tapang kaya siya ay naghahamon ng
babag.
13. Talipa - baliktad na pagkakasuot ng tsinelas - hal. Talipa ang tsinelas ng
bata.
14. Busarga - basag o namamaga na bibig - hal. Busarga ang nguso niya kasi
siya ay nasumbe kanina sa kanilang pagbababag.
15. Tilas - higad - hal. Huwag kang umakyat sa puno baka ikaw ay matilas.
No comments:
Post a Comment