- Usbaw - tatangatanga or luko-luko.
- Mayakyak - matapakan /masaktan.
- Nagitla - nagulat.
- Sumirok - nahulog mula sa langit or nag crash.
- Habe - tumabi ka or umalis ka sa dadaan ko.
- Burok - mataba o matabang pisngi.
- Pagerper - pokpok.
- Barukbok - kung ano ang ginagawa mo sa pagerper.
- Hitad - wala sa sarili / ano ka hilo?
- Suga - pagpapastol ng baka or hayop.
- Tambang - pagtatali ng alagang manok/pansabong.
- Tibalsek- talsik.
- Balatong - munggo.
- Kipit-kipit o kilik-kilik - pagdadala ng isang bagay sa pamamagitan ng pag-ipit sa kile-kile.
- Bangibe - ito ang nangyayari sa mga taong nasobrahan ng barek. Lasing na.
- Busarga o Pikloy - namamagang labi.
- Lupage - nagpagulong-gulong sa lupa. tanrums.
- Piyaot o Kuyumpet - napisa.
- Agit-et - isang uri ng tunog o squeaking sound.
- Damusak - nagkalat o nagsanhi ng pagpuputik dahil sa natapong tubig.
- Malipol - mawala.
- Sungaba - madapa.
- Maapol - taong atat.
- Bange - ihaw.
- Balirok - matumba.
- Balikwas - matumba patalikod o matumba sa upuan.
- Gayak - magbihis/bihis o pwede rin dekorasyon sa fiesta (banderitas).
- Maligaleg - makulet o iyaken.
- Pasong - iyong maumbok na bahagi sa likod ng baka.
- Lungange - lasing o nasobrahan ng kain kaya tulo na ang laway.
- Supa - isang paraan ng pagpapakain ng baka.
- Tuklong - chapel o kapilya.
- Kamaleg - warehouse or store room sa bahay.
- Bawase - bawasan.
- Hugase - hugasan.
- Dagdage - dagdagan.
- Himatlugen - taong lampa o lambuten.
- Mimihamiha - para ding himatlugen o pwede rin taong tahimik
- Asbag- mayabang.
- Serenuhan - mahamugan kapag hapon na nagdudulot daw ng sipon.
- Kakarume - nakakainis.
- Yaya0 - aalis na.
- Gagaod - pareho ng yayao.
- Tambay - tinamaan . ginagamit kapag binato o sinaltik ang isang bagay.
- tagalog Batangueno /Batangenyo tagalog .
Thursday, July 27, 2006
My Ala Eh Diskyonari III
* kayo na lang ang bahalang gumamit ng mga salita sa isang sentence...
Subscribe to:
Posts (Atom)